Monday, December 27, 2004
diaNe...the dReaMer

shit! i visited my sister's blog yesterday and i was like...tentenenen!: INSPIRED! leche ka sis! *now words that i don't usually use are coming out of my mouth...este hands...like i'm some crazy lunatic...whoops! redundant na naman...*

ANG PANAGINIP...BOW!

Dreams...panaginip sa Tagalog. Halos lahat sa atin ay nananaginip. Iba't ibang version pa nga 'yan eh. Perhaps you have experienced at least one. May mga nananaginip nang nakapikit. Yung tipong tulog ka tapos bigla ka na lang makakakita ng mga eksenang tipong totoo pero hindi pala. Labo ano?! But, do you know that we only dream when we are in the REM stage of sleep? Yun kasi yung natutunan ko sa Psych 101 ko. Ano kamo yung REM? That's the last stage of sleep...tipong pag pinilit mong buksan ang mata ng isang taong nasa stage na 'yon ay makikita mo ang kanyang eyeballs na parang may sariling buhay at galaw nang galaw. (Uy, susubukan na niya mamaya...)

Meron ding nananaginip ng gising. Mahirap 'yon. Imaginin mo...dilat ka tapos nananaginip ka. Baka pagkamalan ka pang schizophrenic. Yikes! Madalas itong makita sa mga classroom...obserbahan mo na lang yung katabi mo, ok?!

May isa pang version ang panaginip pero mas applicable sa English eh. Ito naman yung madalas kong marinig nung bata pa ako..."What is your dream when you grow up?" Really...tinanong ako dati nang ganon. Kung tatanga-tanga ka eh aakalain mong pinapa-predict yung magiging panaginip mo paglaki mo...ehehe! Ano ako ngayon...manghuhula?! Mali nga naman kasi yung tanong...gawin na lang nating simple ano?! "What is your ambition?" Siguro pwede na 'yan...

Siguro marami pang ibang version ng panaginip pero 'yan na muna ang isusulat ko...hindi naman kasi 'yan ang gusto kong pagtuunan ng pansin ngayon...

Eh kasi naman, hindi ko akalaing mabuti rin pala ang mga panaginip ko habang tulog ako. Isa na ako sa mga taong may makukulay na panaginip. More often than not, I remember my dreams clearly. In that way, they serve different purposes.

1. Dreams as reviewers

Sabihin niyo nang obsessed sa pag-aaral pero minsan, nakakapag-review ako sa panaginip. Madalas 'tong mangyari if may parating na exam. Hindi ko alam if may relasyon toh sa paglalagay ng mga notes ko sa ilalim ng unan.

2. Dreams as reminders of history

Yep! Nasubukan niyo na bang managinip tungkol kay Rizal o kung ano pa tungkol sa kasaysayan? Ano'ng say niyo? Ako nanaginip ako tungkol kay Andres Mabini...ang tanga noh?! Eion, gumising ako...ang tanga diba?!

3. Dreams as realizations

Dati, insecure ako sa aking boobs (bulgaran na talaga). But I've become used to it na eh. Ashus! Mahirap naman 'pag malaki diba...pansinin na nga ako ngayon...paano pa kaya pag malaki ang aking "hinaharap"? =P Nung kelan lang eh na-realize ko na baka repressed lang yung desire ko for bigger boobs...eh kasi nanaginip ako na nagpa-breast lift daw ako. Nyark! Kainis ha...Ang nangyari pa sa dream ko (na sobrang vivid) eh hindi pantay yung boobs ko. Shucks! Ang pangit tuloy. From then on, I promised myself not to ever desire for bigger boobs. I'm very much contented...tenksyu!!!

4. Dreams as alarm clocks

Dreams as alarm clocks...bilang panggising. Tipong magigising ka na lang 'pag may kakaiba nang nangyayari. Minsan, bangungot na pala. Buti na lang at kahit ang hilig kong kumain bago matulog eh hindi pa ako namamatay sa bangungot *knocks on wood*. Buti na lang at hindi masyadong prone ang mga babaeng tulad ko sa mga bangungot na 'yan. Tsaka may scientific and medical basis naman siguro 'yan diba?!

5. Dreams as premonitions

Alam niyo ba yung kasabihang 'pag nanaginip ka na nabunutan ka ng ngipin eh may mamamatay na kakilala mo? Eh kasi nangyari na 'yan sa 'kin...Lima pa nga ata yung nabunot. Ayun...may namatay na kamag-anak...lola ko ata 'yon. Swerte rin daw yung managinip ka ng tae...pati ata ahas. Hindi pa naman ako nananaginip nang ganon.

Ayon...shini-share ko lang yung mga panaginip ko. I have the luxury of sleeping 8 hours a day kasi lalo pa't holiday...enjoy lang ako sa kakapanaginip. Kaya lang minsan may mga distorbo gaya ng mga current sleepmates ko - Papa and Cathe, mga aso sa labas, at mga pesteng sasakyan sa labas.

Anyway...it's bed time once again...and off to bed I shall go...

Enjoy dreaming!






0 Comments:

Post a Comment

<< back to the main page

cHoX's reaLm



Layout design & graphics by mela
Powered by Blogger
WWF for the li'l side pictures
Photos taken from various sites - googled and yahooed.
The rest...the works...fabulous and shit...edited by yours truly :)


*HUGS* TOTAL! give nadZ more *HUGS*

geocities hit counter

Locations of visitors to this page

Creative Commons License
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 2.5 License
.