Monday, January 24, 2005
ang paborito kong sandals...

masasabi kong isa akong sentimental na tao
hindi ko mawari kung ito'y mabuti o hindi para sa isang tulad ko
nais ko mang baguhin ay sadyang mahirap pala...

minsan ko nang naranasang
magkaroon ng paboritong sandals
simple lang naman ito
ngunit hindi raw ito ang sandals na tipo ko
kung baga, parang itim at puti
sadyang magkaiba
gayunman, binili ko pa rin itong simpleng sandals na ito
naging katuwang ko siya sa maraming bagay
ito ang ginamit ko noong kumuha ako ng UPCAT
ito rin ang suot ko noong unang araw ng klase
sa hirap at ginhawa'y, higit ang halagang naidulot nito
paano nga naman, ang sarap kasing suotin ng sandals kong iyon
simple lang ang disenyo
madaling ipares sa paborito kong pantalon
komportable pang suotin
bagay sa pinaka-iingatan kong mga paa
lakas ng loob ay binigay rin nito sa akin
kaya lang
kaya lang

hindi ko akalaing darating ang araw na 'yon
hindi naman sa napigtas ang pares ng sandals ko
dumating lang ang pagkakataong naluma na siya
narumihan
unti-unting nasira
marahil, ito'y dulot ng panahon
baka naman masyado ko nang ginamit

nalungkot ako
ang hirap
ilang taon ko rin naman siya ginamit at pinagtiyagaan

hayun, nariyan pa rin siya sa cabinet ko
bihira ko nang masuot
marahil, kung tao siya'y malungkot din siya

pero ganyan talaga
ganyan talaga kasakit ang pagbabago
sa panig ko nama'y hindi ko alam kung ano ang mas masakit
ang tuluyang masira siya
o ang tanggapin ang katotohanang nagbabago ang lahat
at ngayon, dumating na ang panahon
hinihintay-hintay ko muling dumating ang panahong karapat-dapat muling suotin ang sandals na iyon
o baka sakali, matutunan ko nang gamitin ang ibang sandals sa aparador ko.


~~~Christine Nadal~~~ (yet to be revised)





0 Comments:

Post a Comment

<< back to the main page

cHoX's reaLm



Layout design & graphics by mela
Powered by Blogger
WWF for the li'l side pictures
Photos taken from various sites - googled and yahooed.
The rest...the works...fabulous and shit...edited by yours truly :)


*HUGS* TOTAL! give nadZ more *HUGS*

geocities hit counter

Locations of visitors to this page

Creative Commons License
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 2.5 License
.