Wednesday, March 23, 2005
nGiti lang ng nGiti...
ngiti raw ako ng ngiti...eh sa gusto ko...sabi ni cathe, para na raw akong baliw...ewan ko lang ha...if i know, natuwa siya doon sa pictures ko sa cam niya (yeah...finally, may sony cybershot na ang aking sisterette...hopefully, xda ko na ang susunod...negotiations are currently going)...ayaw nila non...eh sa masaya ako despite the workload...nasobrahan ata ng optimism ang bruha...
anyway, had my 3rd physics exam today...it was relatively easy...kainis lang kasi may 3 akong mali na purely katangahan talaga...
anyway, pag-uwi ko, dumiretso ako sa dining table...hayun...halos inubos ko ang aming "supposedly" dinner...tapos, biglang na-open up ni mama yung topic na may bagong manliligaw raw yung kapitbahay namin...at...at...may kotse pa...eh di napasilip ako sa labas...eh bakit ba hindi ko napansin yung kulay "taeng" kotse sa labas kanina pagpasok ko? am not so observant talaga...
napaisip ako...alam niyo kasi, yung tinutukoy kong kapitbahay eh kasing edad ng sis ko...kaka-bday lang din niya last march 19...ang taba niya dati...she underwent a crash diet that left her in the hospital for weeks...ulcer daw...as in major ulcer ang napala niya...
ok naman sana siya dati...friend nga namin ng sis ko...parang kapatid ko rin...pareho silang mataba dati...pero si sis, pumayat the right way...no crash diets or anything...nag-iba yung ugali ng kapitbahay namin...naging sutil in a way...pasaway na...spoiled brat...gustong nasusunod siya lagi...medyo klepto na rin...feeling ko, may insecurities...ang judgmental ko na ba? anyway, wish ng mom niya, mapabago siya ng bago niyang manliligaw...wala raw kasing bisyo yung guy...eh yung girl, marami...how i wish...
ano bang nakita ng guy sa kanya?
napaisip talaga ako...bakit ako, hanggang ngayon, walang matinong manliligaw? eh mas matino naman siguro ako kaysa sa kapitbahay namin? sabi ni ma, suplada daw kasi ako...sus! duh?!?! wala lang talagang matiyaga...ang hirap na makahanap ng lalaking matino ngayon noh...ni isang nagtangkang manligaw sa akin eh walang kotse (hindi ako materialistic...kaya lang, mas ok yung may kotse diba?) sabi ni kuya, tinataboy ko raw kasi sila...huh? hindi lang siguro sila persistent...sabi ni cathe, takot daw ako sa lalaki...huh? sabi nga nung sinagutan kong quiz kanina, "let the love begin" ang aking current song(corny!)...now who's not ready for love? ang hirap nang mag-isip...baka kasi masyado kung sinasarado yung puso ko for that special someone (i wonder who that one is...=P)
anyway, may bagong movie na naman sina hero at sandara...kainis kasi isa sa mga fave songs ko yung theme song...can't this be love? naalala ko dati, pinapakinggan ko talaga yung tape ng smokey mountain tapos sinusulat ko yung lyrics...nawala kasi yung...watchamacallit? basta yung cover nung tape na may lyrics na...tapos ngayon, si sarah pa ang kumanta...mukha siyang timang sa mtv...ako lang ang may karapatang ngumiti ng parang tanga noh...hehe! (am getting territorial...)
sige na nga...hahanapin ko pa si cupido...naligaw ata...;)
sino bang nagsabing kailangan ng pag-ibig para magmukhang maganda? natural ang kagandahan noh...tsaka, tama lang naman ang dami ng taong nagmamahal sa akin...i love them back...;) --> bang, bitter ba?