Friday, April 29, 2005
commuTer siDetRip

I'm so torn in making decisions right now...

-o0O0o-

It's still hot than usual today...in fact, I took a bath again before going to class this afternoon. And to think of it, I kinda overslept awhile ago. Good thing that my parents have arrived from Quezon. They just came in time. Otherwise, I'd be late for my afternoon class.

Most people resort to riding airconditioned FX's (minsan pa nga Revo or Adventure) because of the weather. It's such a relief nga naman. Pero minsan, kainis talaga lalo pa kung ang hina naman nung aircon ng FX na nasakyan mo. Minsan, nandiyan din yung takot na baka ma-hold-up ka...last week lang ata nung natutukan ng baril yung kapitbahay namin. Kasasakay lang niya sa FX...dito galing sa labas ng subdivision. Hayun...na-trauma ata...cellphone lang naman ang kinuha. Buti nga buhay pa siya noh. Napapadalas na 'yan. May nag-aabang daw na grupo ng mga lalaki sa may labasan tapos nanghohold-up...kaya hayun...nagpapahatid na lang kami sa kabilang subdivision para mas safe at mas madaling makasakay.

As for me, I'd still prefer a private vehicle...especially our new baby bro, si Rex (yung Starex ni father). Ang tindi ng aircon non (pwera usog).

Anyway, aside from the usual FX na sinasakyan ko everyday, nandyan din ang ever present and ever reliable na jeepney. Sa Pilipinas lang daw 'yan...pero US naman ata ang nag-introduce niyan dito if I'm not mistaken. Anyway, the wonderful thing about jeepneys is that they're cheap. Kahit na ilang transport strikes na ang pinagdaanan nila, mura pa rin yung fare diba...kung tutuusin naman kasi, halos bente kayo sa isang jeep...eh di mas malaki yung hati sa gas and other expenses. ;) Mainit nga lang minsan lalo na pag traffic pero kung tutuusin, mas maraming happening sa jeep diba?

Eh kasi naman, siksikan kayo. May sense of closeness diba. Para kayong sardinas sa loob. Tapatan. Minsan sa tagal ng biyahe, wala kang magawa. Fave ko yung tumitig sa mga paa ng mga pasahero. Lahat na ata ng klase ng paa nakita ko...may mga naka-toe ring, may maruruming kuko, may mga patay na kuko, may todo pedicure pa (pero hindi naman bagay ang color ng nail polish sa skin tone), may ok lang, may makikinis tingnan na mga paa, may mga nakasuot ng mamahaling sapatos, at may mga naka-tsinelas lang.

Kaya nga lang, may downside minsan pag siksikan. Minsan, hindi mo alam, snatcher yung katabi mo...eh siksikan nga minsan...hindi mo alam, wala na pala yung cellphone/wallet mo pag baba mo ng jeep. Minsan, nanghihipo pa yung katabi mo. Good thing hindi ko pa ito nae-experience. Masasapok ko talaga yung katabi ko if ever. Anong silbi ng isang sem ng self-defense noh (paborito ko yung rolling at falling pero siyempre, hindi ko naman magagawa 'yon sa loob ng jeep noh).

Sabi nila, samu't saring amoy ang nalalanghap sa jeep. Pero sa totoo lang, bihira ako makaamoy ng body odor. Distracting ata yung malakas na hangin na polluted. Parang ang dumaan lang yung amoy...tapos wala na. Mas naamoy ko pa yung pollution sa labas. Yun ang ayaw ko sa jeep. Yung pagdating mo sa pupuntahan mo, magulo na buhok mo at maitim pa ilong mo...lalo na pag biyaheng Manila. Super duper polluted.

Iba't ibang klase rin ang mga nakakatagpo mo sa jeep. Kanina, may nakasabay akong Korean couple. Cute nilang pair. Ang sarap nilang pakinggan...para kasi silang kumakanta sa accent nila. Then, came the time na kailangan na nilang bumaba. Sabi nung guy, "Stop please!" Hehe! Tinawan siya nung girl...she murmured something in Korean which I can only guess. Then, she said, "Para po." Pero siyempre, iba yung accent.

Minsan, may nakasakay na rin akong baliw. Scary. Nasa tapat ko. Hindi naman magulo...nagtatalo lang sila nung driver. Pero scary talaga. Psych student pa ako niyan ha.

Pinaka-hate ko ng kasakay yung mga maiingay na coñotic daw. Yung laging may "f*cking!" sa sentence. Kakabwiset pakinggan noh. Ang ingay. May bata pa naman sa jeep. Baga gayahin. May "shit" pa nga at "sucks"...haay!

Meron din namang mga ligaw na tao. Gaya nung nakasabay ko minsan. Sabi niya, hanggang Ligaya lang siya...aba! Sinabi na nga nung taga-tanggap ng bayad na Ligaya na pero hindi bumaba. Nang malaman na lumagpas na, halos maiyak. Weird lang talaga...

Naranasan ko na rin sumakay sa jeep na kumakarera pala at hindi namamasada...yung tipong race track yung kalye. Basta! Kakaiba lang...buti na lang at malapit lang yung pupuntahan ko. When I finally stepped out and landed on firm ground, laking pasalamat ko sa langit.

Meron namang iba na pwet na ang naglalanding sa semento. Mas madalas itong makita kung tag-ulan o kung bago ang sapatos at madulas pa ang ilalim nito.

Hindi ba kayo natutuwa sa mga pautot ng mga jeepney...yung mga "press button to stop" or "pull string to stop"? Siguro, para ito sa mga taong hindi makapagsalita o kaya naman may sore throat at hindi makasigaw...watdyathink? Para rin ito sa mga bingi na driver na hindi makarinig ng "Para po!" kahit katabi mo na siya. Panay kasi ang kakaisip ng malalim. Baka naman nabingi na sa malakas na sound system sa kabilang jeep.

Sa tagal tagal nang ibiniyahe ko sa rutang Cypress-Katipunan, dalawang beses pa lang akong sinusuklian ng tama at sakto. 8.50 lang dapat kasi...minsan 9 yung sinisingil. Kaya nga ang diskarte ko (na turo ng aking kapatid) eh magbayad ng saktong 8...eh student pa nga kami eh.

I've also had my fair share of funny jeep experiences...share ko na lang din para fair diba...;)

Dati, nung onti pa lang ang mga jeep na may "pull the string to stop", feel na feel kong maghila ng tali. Kasama ko sina mama at cathe non. Siyempre, feeling ko naman nasa subdivision na kami...eh di todo hila ako. Eh PLDT pa lang pala 'yon. Medyo malapit na pero lalakarin pa rin. Nahiya na yung mga kasama ko. Bumaba na lang kami. Ang nakakahiya lang naman talaga don eh may kasabay kaming kakilala na taga-subdivision din. Siguro, deep in his mind, pinagtatawanan na niya ako. As for ma and cathe, halos itakwil na nila ako non. Hehe!=P

Kung may sumisigaw ng "Pabili po!" sa jeep, ako naman eh "Bayad po!" ang sinasabi pag pumapara. Tawa ako ng tawa non. Kinahihiya na nga ako ng kapatid ko. Todo titig yung mga tao sa akin like I'm some kind of "nut".

Naranasan ko na rin yung mabingi. Sabi ng driver, "May Santolan ba dyan?!". Akala ko sabi niya "Katipunan". Umo-o lang ako...tapos tumigil sa Santolan. Hindi ako bumaba noh. Nagmukha lang uli akong engot don.

The best thing about all these? Malamang, hindi ko na makakasabay ulit sa jeep yung mga pasaherong nakasabay ko during these awkward moments...unless, coincidence brings us together again diba?

Hanggang sa susunod na jeepney ride na nga muna...Tutal, if every individual is unique, every jeepney ride is unique also.

I leave you with this thought from sir david aka sir fgd..."Life is a product of chance...chance is the basic law of nature." Good night everyone!:) --> este..Good morning na pala!





0 Comments:

Post a Comment

<< back to the main page

cHoX's reaLm



Layout design & graphics by mela
Powered by Blogger
WWF for the li'l side pictures
Photos taken from various sites - googled and yahooed.
The rest...the works...fabulous and shit...edited by yours truly :)


*HUGS* TOTAL! give nadZ more *HUGS*

geocities hit counter

Locations of visitors to this page

Creative Commons License
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 2.5 License
.