Wednesday, July 13, 2005
hello garci? --> kaya raw galit ang japan eh...talo na si hello kitty... =P

so...musta naman?!

finally, i can post pictures here directly without going through the arduous process of submitting my photo at photobucket...pero, am still going to use it from time to time...

namatay na yung pinaka-friendly naming rabbit kanina...sayang talaga...

bumabalik na naman yung pagkahilig ko sa "crazy for you" ha...shux...

supposedly, i have an exam today...pero hindi natuloy...matapos ang pagpupuyat, pag-aaral (ows?!), at muntikang pagsumpa sa mga butong inaaral ko (gaya ng sa pusa, manok, at buwaya), hindi natuloy yung exam...hapon yung schedule ng lab exam pero 3rd batch daw kami so mga 3pm yon...tapos, biglang nag-announce ang office of the president na suspended ang classes from 3pm onwards...watisdat?! and for that, hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi...happy ako kasi i have more time to study...hindi ako happy kasi nag-aral ako at nagpuyat...plus, naghintay for 3 hours para sa exam (since maaga akong nandon...basta hapon daw kasi kami pumunta sabi ni ma'am)...baka sa saturday pa ma-move yung exam...paano na ngayon ang bday celebration ko? dapat kasi, overnight ata sina bangie at friends dito sa house...pwede pa rin naman eh...onting aral na lang toh...

haay...ang gulo ng pinas ngayon...hinihintay ko na nga lang yung time na uuwi ako na na-oust na si gloria...hindi naman sa gusto ko ngang mangyari yon pero i have this feeling na mangyayari yon...ewan ko ba...i really don't care much about the political system...pero sige...am going to share some thoughts about it...i don't like the politicking lang talaga...kahit hindi ka-level ng government...kaya nga ayokong tumakbo si papa bilang governor ng kiwanis...nakikita ko kasi yung pagkabulok ng sistema...yung siraan sa mga magkakaibigan...about the scandal GMA's in right now, sana lang, dumaan sa due process...ayokong matanggal siya just because of another "EDSA revolution"...ano? EDSA 4 na? sabi nila, ibang lugar naman daw...hehe! gaguhan na lang talaga...i hope the people use both their minds and hearts...baka pagsisihan din natin ang lahat sa huli...sa ginagawa natin, baka lalo lang din kasi nade-destabilize ang economy...am not sure of that din coz i don't really know much of the economy...hmm...is this a good time para magpapalit ako ng foreign money? =P

ayon...basta ako, excited na ako sa birthday ko...kahit na tatanda na ako...nandiyan naman kasi ang aking mga friendships...nakakatuwang isipin na in a span of one year eh ang dami ko nang friends...like si bang...masaya ngunit seryoso rin...nagpapasalamat akong nandiyan ka lalo na nung mga panahong pakiramdam ko'y nag-iisa ako...tanggap ko ang pagiging selosa mo...=P kay danci...salamat sa pakikinig at advice...masarap na partner sa food trip (bang included)...enaco, bundat pa rin ako from last time's lunch sa mountaineering... si joyie...ang taong nagpalapit sa akin sa Diyos...isang walking inspiration... ;) si cj...katelebabad...isang taong mahilig kumuha ng litrato...lalo na kung mukha niya...hehe! joke lang... sa totoo lang, ang tindi ng 118 guys...certified bonding subject...

sandali nga...before i end this post, gusto kong i-acknowledge ang mga sumusunod na lugar...

Malate - ang ultimate bonding place para sa amin...kelan kaya uli kami bibisita?

PHAn lobby - the ultimate tambayan...ngayon lang ako napapadalas tumambay dito...safe pa kahit alas-otso na ng gabi...thanks sa mga guards...

lola lita's - magandang puntahan pag 11-2 at 6-8 pm...sa mga oras na ito lang bukas ang aircon...super cheap food at rarely puno...the best ang tokwa with the special sauce...

wok this way - first instinct! seafood rice!!! walang kasawa-sawa...dito magandang magpalibre...hehe! ;) twice na nanlibre si danci dito...once lang ako...o diba? basta...5 times na ata ako nagawi dito at 4 times doon ay para sa seafood rice...

cordillera coffee - ang coffee haven...the best tambayan kung trip lang magmuni-muni at mag-aral...medyo maliit yung place pero keri lang...

ayon...yan na muna...baka ma-stalk pa ako...have to rest pa...tao rin naman ako noh...=P





0 Comments:

Post a Comment

<< back to the main page

cHoX's reaLm



Layout design & graphics by mela
Powered by Blogger
WWF for the li'l side pictures
Photos taken from various sites - googled and yahooed.
The rest...the works...fabulous and shit...edited by yours truly :)


*HUGS* TOTAL! give nadZ more *HUGS*

geocities hit counter

Locations of visitors to this page

Creative Commons License
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 2.5 License
.