Sunday, July 31, 2005
there's a blue sky waitin' tomorrow...

It's just another phase...just another phase...

Yung isang yugto na nais ko mang kalimutan eh mahirap talaga...naguguluhan ako...sabi ko, hindi na ako masyadong aasa...pero ang hirap pala...hindi ko talaga kaya...kaya naman heto eh...hindi ko rin masisi ang iba...hanggang ngayon, patuloy akong nabibigo at nasasaktan...para saan nga ba ang lahat ng ito?

Hindi ba't may punto rin namang hindi na kayang masipsip ng bulak ang lahat ng likido? Ganon din naman ako...dumating na naman yung panahong ayoko na namang makinig...pero yun lang naman ang kaya kong gawin sa ngayon...ang makinig...ang sipsipin ang lahat ng pwedeng masipsip...hanggang dito na muna...ang sobra'y tutulo rin naman parang luha...

Ako rin nama'y may problema rin...ang takbo ng buhay ay ginawa rin naman natin...walang ibang pwedeng sisihin kundi tayo rin naman...ewan ko ba...ayoko ng panghihinayang...dumaan na ako sa kalyeng ito dati...nalagpasan ko naman...at ngayong tinatahak ko muli ang kalyeng ito, nasaan na kaya ang tulay na pwedeng tawirin ko?

-o0O0o-

enough of my sentiments...haay...medyo hindi lang ako ok...obviously...

it's not about losing my phone last thursday...yeah...it was stolen...swerte mo lang magnanakaw ka at medyo bangag ako that day...i prefer not going into details...basta...on a lighter note, i'd be getting a newer phone than the one you stole...although i do have to replace that expensive bag you ruined...sana kinalabit mo na lang ako noh at hiningi yung phone ko...haay...sensya sis...

kung kelan ako umuwi ng maaga eh tsaka naman ako nanakawan...stupidity was the word that day...

friday...from stupidity to uncertainty...basta...na-compensate naman ang lahat ng concert that night...watched hale, spongecola and mymp...(pictures to follow)...may blueberry cheesecake pa and hot choco from starbucks...na-compensate na nga kaya lahat? hmm...

saturday...woke up really late...slept in front of my PC...ang bagal kasi...basta i watched live aids last night...funny yung show...esp. yung mga monologues like that of tuesday...pero medyo hindi pa rin ako ok...superficial ang saya...ayoko ng ganito...pati sarili ko eh niloloko ko...

frustrated and burdened...that's me for today...sensya na...





0 Comments:

Post a Comment

<< back to the main page

cHoX's reaLm



Layout design & graphics by mela
Powered by Blogger
WWF for the li'l side pictures
Photos taken from various sites - googled and yahooed.
The rest...the works...fabulous and shit...edited by yours truly :)


*HUGS* TOTAL! give nadZ more *HUGS*

geocities hit counter

Locations of visitors to this page

Creative Commons License
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 2.5 License
.