Friday, August 19, 2005
taMbay sa suLok

just have to post this...sayang yung ink ng G-TEC-C3 na ginamit ko...=p

August 22, 2005...6:20 pm..naghihintay...nag-iisa sa isang sulok ng PHAn lobby...malakas kasi ang ulan kanina...nakakatamad pang umuwi...sabagay, alas siete matatapos si cathe sa kanyang klase...hihintayin ko na lang siya para sabay kaming umuwe...kung suswertehin, baka sunduin pa kami ni papa...sana makabalik siya agad sa meeting niya sa global city...

pinipilit kong mag-aral...heto...napagdiskitahan yung Bio book ko...highlight dito, highlight diyan...wala namang maintindihan...maya maya, may nakakadaldalan...napapalingon sa mga nagaganap sa aking paligid...kaya heto...nagsusulat na lang ako...kahit papaano, may nagagawa pa rin...

nakakatuwang isipin na nababalot ng kalahating dilim at kalahating liwanag ang lobby...dalawang magkaibang dimensyon...gaya na lang ng itim at puting kulay ng sahig...may dalawang tao rin ditong hindi pa nagsasawang mag-aral...ang isa'y balot ng liwanag ng bumbilya...ang isa, nakakubli sa paparating na dilim ng gabi...may isang lalaking may kausap sa telepono...samantalang ang guwardiya, nag-iinggit sa kanyang maagang hapunan...

ang init ng umaga ngayong araw...'sing-init ng nararamdaman kong inis...may isang bagay na talagang hindi ko maunawaan...may ilang bagay na talagang hindi ko maunawaan...may ilang bagay na sumubok sa aking katiting na pasensya...panahon na sigurong mamulat na kaiba ang bawat indibidwal...iba ang prinsipyo ko sa kanila...pero ilang pagsubok pa ba ang kailangan kong harapin para lamang mapunan ang pagkakaibang ito?

nakakatakot ang oras...hindi mo alam kung anon'ng pwedeng mangyari...sana nga lang, may pagpapahalaga ang bawat tao rito...na ito'y mahirap tantiyahin at dapat lamang ito pagkaingatan...

kaya kaibigan, pasensiya na sa pagiging malamig sa'yo ngayong araw...pero bakit nga ba laging ganito? kailan matututo? paulit-ulit...sana hindi na maulit...ang mga dahilan mo'y ayoko munang isipin...pasensiya na...sadyang hindi ako madaling makalimot...

sadyang maraming panloloko ang panahon at pagkakataon ngayon...heto...binabalot na rin ako ng atok...dahil naman sa dalang lamig ng hapon...wala pa rin akong magawa...patuloy nga lamang na nagsusulat...patuloy na nagmamasid sa aking paligid...sa dumaraang mga dyip...sa mga ilaw sa posteng hindi ko naman lamang napansing sumindi...

nandito pa rin ang mga kasama ko maliban sa lalaki sa may telepono...at ako...nasa parehong sulok pa rin ng PHAn lobby...







0 Comments:

Post a Comment

<< back to the main page

cHoX's reaLm



Layout design & graphics by mela
Powered by Blogger
WWF for the li'l side pictures
Photos taken from various sites - googled and yahooed.
The rest...the works...fabulous and shit...edited by yours truly :)


*HUGS* TOTAL! give nadZ more *HUGS*

geocities hit counter

Locations of visitors to this page

Creative Commons License
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 2.5 License
.