Sunday, May 28, 2006
lakwatsa
natuloy! natuloy!natuloy ang isda sa pagbalik sa club manila east. may red tide pero "so what?" keri ng beautiful fish ang hamon. naligo pa rin. once an isda, always an isda. get it?
alas kwatro na umalis ang bora girls (ice, kim, ate mel, cathe, at ako) plus steph (classmate ni sis nung highschool) dito sa bahay sakay ng asul na paj ng pamilya ni ice. dali-daling nag-check-in at pumunta sa room 512 sakay ng isang golf cart. umabot pa kami sa onting night swimming, slide slide, at kayaking. maagang napagod lalo na ang mga nagtatrabaho sa amin kaya derecho sa villa at nagpahinga na bago alas nuebe ng gabi. hindi na kami nakapagswimming ni sis sa olympic pool. trip pa naman naming magracing...paunahang malunod. at least buhay pa ako diba?
ang pagtambay sa kwarto ay may formula.
syempre, ligo muna kami. tapos, nood ng tv na walang cable...kaya ka-badtrip. lalo pang ka-badtrip ng malaman naming nakasama si clare at mikee sa pbb big 4. lokohan ba toh?! naglaro din kami ng games sa cellphone ng iba. kain ng dinner na kay dami. in fairness, may dumating na chopsuey na wala sa order namin. nabanggit sa phone ang pinakbet at mango juice...aba malay ko kung asan ang chopsuey don. wala na rin kaming magawa...nagsasara ang resto ng 9pm. nasa last call kami. leche noh? nung naghanap nga ako ng matamis pagsapit ng matinding dilim, nakontento na lang ako sa simpleng lollipop. dalawa na lang kinain ko.
maaga akong nakatulog kasi maginaw. pero maaga rin akong nagising. feeling ko nasa ref ako. unang beses, 4 am. masakit din lalamunan ko eh. baka sa lollipop o sa ginaw. pangalawang beses nung 6:45 am. eh ginaw lang talaga. dahil marami pang tulog, labas na lang ako mag-isa at namasyal. dami ring taong nag-overnight eh. yoko nang magliwaliw.
late na kami nagbreakfast. tapos, picture picture gaya ng dati. nood tv. laro cellphone. ligo bago alis. ganon. late na kami umalis. ewan ko kung nagbayad pa kami ng extension. hindi na ata. hinatid kami ng isang puting van mula villa hanggang gate. feeling tuloy namin nag-RoRo ule kami galing bora. pagkatapos, balik na ule sa paj, dumaan kami sa grocery para kumain ng ice cream. craving ni kapatid at nakisama na kaming lahat. bahala na ang lalamunan ko.
kinahapunan, back at home at matapos magsiesta ng saglit, derecho kami nina cathe at mama sa basketball court...hindi para magbasketball o manood nito. may bingo social kasi. guess what? nanalo ako. hehe! :D proven na talaga ang swerte ko sa bunutan. pambato ako nina ivy dati eh. kasi ba naman, apat kaming nagkasabay manalo sa bingo...at ang isa, kapareho ko talaga ng card. ang makakakuha ng premyo eh yung makakabunot ng pinakamataas na numero. 71 ang akin. =p
kabayo at plantsa lang naman. haha! :D hindi ako nagpaplantsa...minsan lang. kay mama na lang yon. trip ko sanang makuha yung painting na worth 20 thou ata o yung sako ng bigas. oh well...at least may napanalunan.
umulan kaya...at basta sugal, walang natitinag sa ulan. sabi yan nung host.
hehe! ;)
***
joke article lang daw yung tungkol sa linguist na nagprotesta sa "da vinci code"...see previous post. hay! =p