Friday, May 26, 2006
wala akong ADHD
may ADHD daw ako sabi ni cathe...iba raw meaning non para sa kanya. tanungin niyo nga. kulang din "daw" ako sa pag-ibig. haha! ano raw ule yon?!pero dahil baliw ako ngayon (gaya ng sabi ng mga tao dito sa bahay) at bago ako sumpungin (dahil nga raw ganon ang nangyayari after mong ma-high sa happiness), mag-a-ala "cathey" mode muna ako ngayon...meaning, tagalog-lalim-tuldok galore-liit letra-whatever-chuvanes-lingo. o diba?
inatake ako ng sakit ng ulo kahapon. hindi naman masyadong matindi pero long-lasting ha. buong araw siya. sabi ko, baka dahil sa mata ko. ikaw ba naman ang magbabad sa PC at TV. kaloka yon noh. try mo. kung sumakit din ulo mo, malamang, tama ang suspetsa ko. sorry na lang sayo.
pero kahit masakit ulo ko, tuloy pa rin ako sa gateway para manood ng "da vinci code" with my ever bf (bestfriend ayan noh...haller!). tinamad na ako at hindi na rin nakapunta ng UE para magpatahi ng uniform. pero musta naman. sa tricycle, nakaputi lahat ng kasakay ko. nagbabadyang magpatahi na nga raw ako ng uniform. sa aking palagay lang ha.
ang lokong gateway, sira pala ang internet reservations. panay hintay ako sa tawag o email...to no avail. hayun! walk-in na lang kami ni bes sa palabas...2pm nakuha naming tickets. buti naman maaga noh.
ok ang da vinci ah...kakatuwa. kahit na ang pinapapak kong plain popcorn eh kasing liit ng nerds (nerds: maaaring dahilan ng sakit ng lalamunan ko nung mga nakaraang araw at eventually, sipon ngayon). napagod ako sa kakadukot ng popcorn na kay liit at medyo makunat. pero in fairness, halos naubos ko siya...matapos kong madumihan sa nagsihulugang popcorn.
muli, balik sa pelikula. kailan ka nakakita ng babaeng tumatakbo ng naka-closed shoes na may heels? mahabang takbuhan din yon. nakapag-retouch pa siya ng makeup. pansin ko nga nagbago pa ng kulay ng eyeshadow. galeng noh?! papaturo nga ako don.
pagkatapos ng pelikula, feel ko nang pumunta sa louvre sa pransya...at maghukay dun sa pyramid. baka sakaling nasa ilalim yung sarcophagus. hehe! :D
feel kong basahin uli yung libro. syempre, mas maganda nga raw lagi ang libro diba? san ko kaya nalagay yon? tingnan ko lang kung may mapuna't malait pa ako. pero ok talaga yung palabas ha. kasing "kewl" ng larong "da vinci..." sa computer. try niyo rin. nasa yahoo games yon eh. musta ang baliw sa "da vinci" ha? =p
natawa ako sa nabasa ko sa email. grupong ng mga linguists na pumuna sa palabas...dahil mali raw ang "the da vinci code"...dapat "the the vinci code". susme! apelyido yon noh at hindi shortcut ng "the". nyark! ang brains...going down ata.
bothered pa rin ako sa MMK kagabi...namatay si jodi sa kwento. sadness. nood kaya kaming lahat kagabi...except papa. tulog at humihilik sa tabi namin eh. lagi akong napapaiyak ng MMK. lagi kasing sad ang kwento. wala kayang pure comedy na pang MMK? may horror na kasi. trip kong magpadala ng kwento pero wala namang pure comedy sa buhay ko na ok ipadala. hmm...
naglinis din kami sa bahay ngayon. parang sauna room yung kwarto namin. halos maghubad ako sa init. ang bantot naming lahat pagkatapos. baka don ako na-high...sa alikabok, init, at pawis. hehe! :D isama na nga rin diyan ang cheez whiz at tostadong tinapay.
sige na. byerz! wag kalimutan ang panday mamayang gabi. totoong ending na ata. natawa kami kagabi...nung biglang si lizardo ang kayakap ni panday. comedy na siya. pati si pacquiao...nagpapatawa sa bagong advertisement niya...yung buhat-buhat niya anak niya habang gumagawa ng kung anu-ano. ako kaya, mabuhat niya? =p
alis kami uli bukas...magiging isda ule sa club manila east. join ka kung trip mong maging isda. pwede ka rin maging mangingisda. ;)
nyikes! balik online na lang sa linggo...pagbalik ko mula sa malayo ngunit malapit na lugar ng tagaytay...este taytay pala. nananabik na ako sa paglaro ng binggo sosyal dito sa amin. haha! pangarap kong mapanalunan yung painting ng kapitbahay namin. sabihin na lang nating i appreciate art. :)