Wednesday, June 21, 2006
WAAH!
Problem #1: Wala na akong konsepto ng oras. As in!Hindi ko alam kung dulot ito ng med life...meaning, pagpupuyat. Pumasok ako kaninang umagang nag-aakalang June 22 na ngayon o kahit Thursday man lang.
Here's the catch. Akala ko, birthday ni Roselle ngayon...classmate and friend from UP. Eh di siyempre, I told Rose about it...isang classmate at dating taga-UP din. Ayan na...paglapit ni Roselle, binati ko agad siya ng "happy birthday". Happy ako nun ha. At yung iba pa naming friends, nakisama rin. Then she meekly said, "Bukas pa."
Waah! Natawa na lang ako. Naisip ko pa non, kawawa naman si Roselle, birthday na birthday eh nasira ang LRT sa Santolan tapos may quiz pa sa Physio.
Sablay #1 for the day.
As if I haven't learned my lesson...sablay #2 came.
Ngayon lang...pag-uwi ko ng bahay. I checked my friendster account. Nakalagay sa birthday announcement na birthday ni Ice sa June 22. Eh di ako, nagmadali. I texted Ice. The message went on something like almost forgetting it was her birthday and greeting her late. She replied, "aga hah bukas pa..." Eh di advance na ngayon?
Eto pa...inayos ko pa yung birthday alert sa phone ko kasi nagtataka ako kung bakit walang announcement of Ice's birthday today. Hindi ko man lang na-connect...na kaya hindi nag-alarm eh dahil June 21 ngayon. At kaya ganon ang announcement sa friendster dahil hindi niya naman birthday TODAY. Hay naku!
Anong tawag sa sakit na toh?!
Cathe...now's the time to squeeze those creative juices and create a new name for my illness.
Nakakahiya na toh. =P
Problem #2: Ang pagdating ng kinakatakutan...sira ang LRT!
Dahil nga malayo school ko, I rely a lot on commuting via LRT2. Upon arriving at Santolan at around 7am awhile ago and seeing all those people waiting for jeepneys, I immediately felt awake even though I've slept for around 2 hours lang. Apparently, sira ang train.
Waah! Panic mode. Tawag ako kay Danci at Roselle...LRT2-mates. Si Danci, binabagtas pa ang traffic na CP Garcia. Wawa naman. Si Roselle, nakarating din ng Santolan. Nasa may Libis area na ako ng malaman kong bukas ang Anonas station.
Good thing walang pasok si Cathe at maaga akong umalis ng bahay. Hinatid ako ng aking pamilya all the way to UERM. Buti walang traffic. I just arrived in time.
Si Cathe, first time makarating sa UERM. Nabaliw sa dami ng estudyanteng nakaputi. Blue and white raw ang UERM...like my dream school, Ateneo. Ngek! Naisip pa ng mokang.
As a tribute sa kapatid kong maramot kaya namulubi, binili ko siya ng headphones niya para magamit sa pag-uusap nila ni Mart sa internet. Nilubos ko pa...pati LAE review ni Mart, inasikaso ko na.