Friday, May 18, 2007
pahabol...habol! :)
May isi-share lang ako.Kahapon, sumama akong sunduin si Cathe sa kanyang workplace. At bakit ko nga ba iniwan ang PC? Ito ay dahil manlilibre si Cathe ng pizza...from Yellow Cab. Ang sosy...nakatanggap na kasi ng allowance from her boss.
Ang loka, ang tagal umalis sa office kasi may ka-tangahang ginawa yung printer nila (o sis...yung printer na nga ang may kasalanan). Ang aga pa man din naming dumating ni Uncle. Inuna namin siya versus the Banco de Oro eh. Super speed after to the bank kasi 6:30pm yun magsasara. Ang hindi namin alam ni Uncle, may super Banco de Oro before entering the village (kung san nga yung workplace ni sistah). Susme! Sana pala, dumaan muna kami.
Ayun...photo finish to the bank. Naiwan kami ni sis sa car kasi ayaw na namin magpalamig sa banko (uy...gawain ni Kuya Dondon at Aunty Lyn). Usap usap kami ni sis hanggang matuyuan ng laway. Tawag tawag sa phone to Mama (to prepare pasta...I'll be doing the sauce pag-uwi) and to Papa (to buy chicken). We decided to have an Italian dinner that night...ay ang redundant. Wala naman dinner sa umaga so definitely night. Naghintay rin kami sa kotse sakaling may lumabas na car sa parking...nakaharang kasi kami. Wala lang...tatawagin lang naman namin si Uncle sa loob ng bank. Wala akong license na bitbit eh. I'm very OC on that.
Haba ng pila pero keri lang. To Yellow Cab after (yung sa may Marquinton) para bumili ng super big pizza...and because I was there, I got to choose the flavor. All time fave...meatlovers. :) 15 mins. kami naghintay ni Cathe. Tagal noh? What we did while waiting was take pics...like always. Hay naku! Tamad akong magpost ng pics dito so baka sa Multiply na lang ulit. Tapos, sinubukan ko yung Diner Dash sa phone niya (naku! I have to see Kim/Ice na para meron din ako sa phone ko non) na super hirap pindutin. Eion...15 mins. sakto, we left, me carrying the super big pizza up to the car.
Super dash pa rin to go home kasi Papa had a meeting at 8:30. 7:30 eh nasa Marikina area pa rin kami noh...Papa called so extra stress pa. We made it in time naman. Plan was, tatakbo pagdating namin to open the gate tapos prepare the pasta sauce agad. Cathe naman was to carry her stuff inside. Uncle was to bring in the pizza...kasi if one of our neighbor sees it, siguradong manghihingi yon. Not that we were selfish. Pero may issues lang talaga. Long story.
So there...takbo ako from the car to open the gate. Tapos, takbo papasok ng bahay to prepare the sauce. Tapos, ta-dah! I lost the stud in my very precious havies. I got crazy. I asked Cathe to finish the sauce I was making (which I eventually had to redo kasi super thick). Takbo agad sa labas to find the missing stud. Loose kasi yun talaga. Palpak yung pagkakagawa...puro daldal kasi ginawa nung babae sa booth dati. Cathe and Uncle eventually helped. Pati yung mga bata sa kapitbahay. See the friendly neighborhood? =p Sabi nina Ma at Pa, it was futile to search for something so small at night kasi ang dilim nga (maliwanag nga ba sa gabi?). Sabi ko, sige, tomorrow morning na lang para kita. Basta I'm sure I had the stud when I rode the car from Marikina...kasi nga it was loose and I kept making kapa to check if it was still there.
Sabi ko, karma ata ito kasi si Uncle may inuwing Honda logo that has fallen off from a car eh. Ayun...my flops' stud has fallen naman. Karma hindi ba?
Mama insisted we eat dinner na so sige...eat. Nabundat ako. Pano ba naman, heavy eh. Pasta, chicken, rice, tapos pizza. Pero na-keri ko pang mag late night snack ng pizza ha. Tagal naubos eh. Mama and Papa rin naman. =p Hindi pa rin namin naubos kasi ang laki talaga. :O
The next morning, himalang nagising ako ng maaga dahil sa stud na yan. After breakfast, naghanap na ako. After a while, I honestly gave up na. Sabi ko, I'll either request for a new stud from Havaianas or have one made from a jeweller. Tapos, yung mga bata from last night helped din...at sila nakahanap. Haha. Ang funny. Crystal (the kid) found the crystal. Ang saya diba? =p Binigyan ko siya ng free ice cream after. That's how happy I was.
Naku! I felt relieved. Masusuot ko pa ang fave havs ko after all...ng walang butas. :) I used a super glue na talaga to make sure it won't fall off again.
So that marks the end of our Italian dinner. Haha. Labo.
Why am I writing funny? Go figure. ;)