Friday, June 08, 2007
1st week madness...talaga.

Hecticness is the name of the game.

Second year is TOTALLY different from my first year in med school. I have never felt so tired and worn out in my whole med life.

Parang exam week na. Ganon.

First day, opening ceremonies pa lang, sinalubong kami ng mga bagong electric fan (with the mist-pero-water-droplets-naman effect) sa gym na inakala naming nagbubuga ng alikabok or umuusok na dahil sira. Fine. That was funny.

Sinalubong din kami ng dalawang magkabilaang LCD projector screens sa gym na sabi nga ni Danci eh gawa naman sa canvas. Cool. *Ngek!*

Sinalubong din kami ng sangkatutak na freshies. 204 silang lahat. Samantalang kami, less than 200 na nga nung first year, nabawasan pa ng 45 so 120 na nga lang daw. Ganda ng mortality rate. Kaya naman, panay ang bati ng mga professors...para kaming mga nanalo sa Amazing Race o kaya naman Survivor.

Namimiss ko na yung mga kaklase naming nawala. Nakipagkita si Hanni kahapon for lunch. Sobrang miss ko na rin yung ingay at kakulitan ni Cla. Haay...wala na si Queen B. Med life will truly be different na. Pero may bago kaming classmate na transferee from St. Luke's...at nalaman ko pa ang kwento straight from a St. Luke's student. =p

Puro O yung starting letter ng surnames nga mga pumasok sa dean's list from our section. Congrats kina Olarte (3rd), Oliveros (8th), at Or (9th). Ang galing. =p

Sinalubong kami ng napakaraming requirements kasama na diyan ang sangkatutak na manuals. Ano ba yon?! Onti na nga lang binili kong books eh.

Sinalubong din kami ng agarang lectures na kung hindi nakakabagot eh kahahaba naman. Kapagod ever. Lagi tuloy akong tulog pag-uwi. Wala na rin kaming oras magbadminton ngayon. Ang pangit ng sked eh.

Sinalubong din kami ng mga bagong prof at mga bagong patakaran. Kasama na diyan ang pagbabago sa 1st yr curriculum kung saan hindi na matatanggal ang sinumang makabagsak ng Anatomy lang. Badtrip talaga. Boohoo! :(

Higit sa lahat, sinalubong kami ng matinding init. Ayoko na! o_O

Galing kami ni Tita sa Gateway kanina. Nakipagkita ako kina Ivy, Dean, at Migo before going shopping. Wala kaming nabiling matino ni Tita. Lipgloss trial meron. Haha. :D





0 Comments:

Post a Comment

<< back to the main page

cHoX's reaLm



Layout design & graphics by mela
Powered by Blogger
WWF for the li'l side pictures
Photos taken from various sites - googled and yahooed.
The rest...the works...fabulous and shit...edited by yours truly :)


*HUGS* TOTAL! give nadZ more *HUGS*

geocities hit counter

Locations of visitors to this page

Creative Commons License
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 2.5 License
.