Thursday, August 23, 2007
What comes between GMA and ABSCBN? --> US!
ARGGGHHHH!!!!!!Hindi ako makatransfer ng files from my phone to the PC. Lahat ng means eh sira...from the bluetooth down to the trusty USB port. At naiinis na ako.
Natapos na naman ang tatlong araw ng nakakabaliw na long exams. Oo...nakakabaliw. Ilang araw din akong walang tulog...swerte na ang isang oras. At hindi ko nasulit ang long long bagyo holidays kasi nagprocrastinate na naman ako. Pag walang pressure, ang bagal kong magbasa. Yun na. Ano ulit yun Julz? Nasa huli talaga ang pagsisisi.
Good luck na lang sa grades ko this time around. Sige na...gamitin ang optimism. Baka magwork.
Now for kwento sake, for two instances this month, nakasaksi ako ng pagkabundol ng tao sa kahabaan ng Aurora Blvd. Haay...jinxed. First time, sa tapat ng Medics...female HS student ata yun. Second time yesterday...motorcycle sa pagitan ng dalawang jeep. Hanggang dun na muna kwento ko...hindi na ako bumaba ng jeep to make osyoso.
Tapos, inaayos na itong baha to accomodate the flood. Ay...that sounded wrong. Haha. Mukha na kaming nilahar kasi ang baba na ng main house kumpara sa mga bakod sa labas. =p Ang weird na sa may amin...lalo na sa main road outside the subdivision. Umulan lang ng onti, may tubig na. Lumangoy ako kahapon. Tsk. Kawawa shoesies ko.
Anyway, to end the very kakabwiset exams (haha...musta namang segway ito), nagpunta kaming Bellini's kanina (as planned). Was with Ivy, Roselle, Tin, Joey, Clar, and Arianne (first timers yung last 4). Ang saya! Mahabang kwento...pero ikukwento ko.
Around 3pm, habang nag-aabang ng jeep sa tapat ng Med Bldg., may tumigil na van ng GMA. Nagjoke pa ito si Clar (na hindi ko na matandaan...basta about the van and GMA yun) tapos sabay bukas nung bintana ng front passenger. Akala ko magtatanong about directions or something pero susme...may ready-to-shoot cam. Tapos, bumukas din yung door sa gitna (yung for back passengers) at lumabas ang isang lalaking naghahanap ng maiinterview about glutathione. Hahaha. :D Nagpumilit sila pero NO! Hindi nila kami napilit. Nagtago na lang kami sa loob ng building. Baka mamaya kung ano pa itanong nila. Ibalik kami sa 1st yr Biochem para mag-aral ng glutathione. Hehehe. Exagg. =p May nainterview din sila eventually...at nakalabas na rin kami sa wakas.
Anyway...hindi diyan nagtatapos ang aming mala celebrity-laden day. Pagdating namin sa Bellini's, lo and behold...may ABSCBN van sa labas and apparently, may shooting. Aba naman. Akala namin closed for the shoot...buti na lang hindi kasi naku po! Masasayang ang pagpunta namin don. Lumabas yung isang parang director, si Randy (ang aming waiter extraordinaire), and Mr. Bellini himself. Haay...maybe they were thinking that the shoot's scaring customers away. =p Ayun...pinapasok kami at pinaupo dun sa area ng resto na medyo tago. Nasa main part ng resto kasi yung shooting eh. Guess what kung ano yung movie? Yung kina John Lloyd at Bea - "Ready to Take a Chance Again". Hehe. Eh di hindi kami mapakali. Nagtingin tingin. Saw John Lloyd, Dimples, Bea (of PBB2), Janus del Prado (na crush ni sister...inggit na siya), and Aaron (gosh...I forgot his last name). Sabi nila, nandon si DJ Durano (ang isa pang pambansang bestfriend) pero I don't think I saw him. At sayang...hindi namin nakita ang controversial arms ni Bea Alonzo na wala sa shoot that time. Basta yun. Nakakatuwa...at special treatment kami kasi kami lang customers that time. Break pa nung shoot nung nandon kami so wahaha...artista sighting galore. Hindi na kami lumapit...kahiya. Tinalo na lang namin sila sa photoshoot. Eh sa camwhores kami. Sa lahat ng sulok ata na pwede naming puntahan, nagpapicture kami. Hahaha. Good luck talaga. Forget kahihiyan.
The best PARTS of our experience today...na siguradong pagsisisihan ng iba diyan na hindi sumama...
- Getting 2 free shots of homemade red wine made by and compliments of Mr. Bellini himself. Wala raw kasing sweet wine (much to my disappointment)...pero duda namin, yung homemade red wine eh yun din yun pero baka last bottle na yun or medyo stale na or hindi pa ok ibenta. Super sarap. Hindi ako nalasing (sorry Julz and Danci) pero si Tita...yun...grabe. =p
- Interacting with Mr. Bellini. First one: lumapit siya to lecture about the heat and how electric fan affects your health. Kahit mainit, at least hindi raw bastusin suot niya...pero medyo see through. Hehe. =p Nakipagchikahan pa siya...I heard he likes having students around. Second one: Nung hinaplos niya buhok ni Joey. Kaya naman, no more ligo for Joey for the essence. Hehehe. =p Third one: Nung bineso-beso niya si Tita Ivy sa noo. Haha. No more hilamos for you din. =p And to cap it all off, nagpapicture kami with Mr. Bellini after. O diba? We so love him na. :)
- Interacting with the movie production people...na walang ginawa kundi lokohin kami. Nasaan na ang free movie passes namin? =p
- Meeting Kuya slash waiter Randy (na Italian speaking din...astig diba?)...na super kinulit namin at super patient din. Hehehe. =p Sabi sayo eh...yung sweet wine ang pinunta namin. Feeling ko, siya ang dahilan kaya binigyan kami ng wine ni Mr. Bellini. :D
- Ang paghabol ni Hanni...na siya sigurong naging dahilan ng 2nd shot ng wine. I missed her. So...ano ang mas malalang uniform...yung amin o yung senyo? =p
- At syempre, ang walang kamatayang pictures at chikahan. Girls early night out nga eh. ;p
Julz...nakakainsulto man on John Lloyd's part, pareho raw kayo ng buhok ni John Lloyd sabi ni Joey. I beg to disagree. Hehehe. Peace. =p Gwapo niya...yun lang.
This is a real starstruck moment for us all. May next shooting date pa ata. Wahaha...aabangan. =p
At si Mr. Bellini, ginawa rin naming celebrity. Harhar! ;)
Ito'y isang pangitain sa pag-aartista namin. Joke. =p
:D :D :D
Magpopost ako ng pictures...at SUPER sneak preview on the movie. Ayos na rin ang bluetooth sa wakas.
At hindi pa diyan nagtatapos ang lahat.
Our celebrity magnet/radar/glue/gawgaw/kanin worked for the third time...nang makita namin si Inday Garutay sa Gateway. Kebs niyo, kebs ko. Hehehe. :D
And oh...kakahiyang moment kanina sa LRT...nakalimutan kong magpasok ng card. Derecho lang sa turnstile eh...hahaha. Yun ang nagfi-feeling. Hahaha.:D
I so love this day. Oh yes. Minus the exams part...and the part I'm going to do next which is to prepare for the ICS tomorrow.
Bwiset.
O siya, siya.
This is your sober chikadora signing off. ;)