Sunday, November 04, 2007
a chika eh keber. =p
Oh yes, oh yes...for real na. We'll be having real classes tomorrow.Kung sino man ang nag-arrange na Oct. 30 pa lang eh pasukan na namin sa school...BOO! to you. Ano yon? Panghimagas? Pang warm-up? Ang saya naman. o_0 Warm-up pala ang mga mababang results ng 3rd long exams ko sa Patho at Pharma. Oh well...at least pasado. Pero naku naman. Badtrip lang.
Nag-videoke kami sa Red Box Trinomerz nung Wednesday. Next goal: try out the room with the billiards table. Haha. ;)
I'm currently making kalikot and using Cathe's lappy kasi super modern ito...lahat nandito na. At hindi pa rin ako tapos sa pag-upload ng pictures sa Multiply. Kadiri. OC.
Nag-away kami ng malupit ng kapatid ko kahapon. At kahit alam kong siya may kasalanan, so what na lang muna. Gaya ng dati...parang wala lang ang lahat. At ako na naman ang masama. Keber na lang.
Last Oct. 30 pa umuwi sina Mama at Cathe. Na-miss ko rin ang mga mokong. Hehe. =p At ininggit na naman nila ako sa mga extra escapades nila gaya ng pagsidetrip sa mga relatives ko sa Bukidnon at pagharvest ng lanzones sa bundok. Waah! I'm less experienced na. =p
Natuwa ako sa Jessica Soho docu kahapon about "kinilaw". I so love that docu. Eh sa love ko ang kinilaw. Trust me...Papa's kinilaw na tangigue is to die for. Sa kanya eh gata version. Pero sa probinsya, nasubukan ko na yung tabon tabon version. Tapos, hindi pa uso ung kalamansi sa Camiguin so lemonsito ung gamit nila. Ang weird ng lasa non. Ay...gusto ko rin yung version ni Kuya Ted na may green mangoes pa. Na-feature din yesterday yung sa Gerry's Grill. Fave ko kaya ung sinuglaw don. Yum, yum. Makes me hungry na naman...at kakaubos ko lang ng dalawang pastel ha.
Aalis na si Papa for his US trip this Tuesday. Waah! Wala kaming service papuntang school. :(
Finally, makaka-travel na ako sa labas ng Pinas next year. Sorry ha...medyo nationalistic. We believe in touring Philippines first before anything else. Pero heto si Papa...napilit na rin ng RCI. May free hotel accommodations kasi kami na hindi pa nagagamit. Just had to use it. Bangkok, here we come! :)
O sige na...time for Multiply. What did you do to celebrate All Souls Day? Kami kasi, wala lang. Wala naman kaming bibisitahin dito sa Manila eh. Usually nasa province. Ang pinagkaabalahan lang nila lately dito sa bahay ay ang paglalagay ng pavers sa frontyard. I'll post pics sa Multiply...just in case hindi kayo familiar sa pavers na yan. Na-realize ko lang, ako lang pala naiba ng linya dito...I have engineer parents tapos a sis who's bound to be a landscape architect. Ako lang ang nasa sciences. My gosh. =p