Saturday, November 24, 2007
(blank)

I've been on a very long blog leave...thanks to overwhelming school work...which primarily involves interviewing patients and listening to long, droning lectures from professors who knew their stuff but don't know how to lecture. Gawd! I need to get a grip of my own life.

Wala akong makwento about school kasi wala naman pwedeng ikwento. Except that our patient, T. T., who we interviewed last Friday, died today, Saturday, Nov. 24, 2007. Such an unexpected turn of events. First, we had a terrible week of our patients being discharged...and now this. My, my...and this is only the first month of the 2nd semester.

Papa got to celebrate his birthday pala last Nov. 9 at Indianapolis, USA. He was there for a training kasi. On the night of the Batasan bombing, we were at DutyFree, doing last minute shopping (we got there as in 30 mins before closing time). Reason for going there: to buy Havaianas. They're cheaper there eh. Oh well...it's on sale din naman so we can buy at All Flipflops if we want to.

We celebrated Mama's birthday last Nov. 21 at our home. Papa surprised her with food tapos we called the neighbors for dinner. I slept all throughout the party. Ayan ang dulot ng mahirap na med life. I was too pooped to party. But prior to that, on Nov. 20, we went to watch the last full show of "One More Chance" pa eh. Tagal na rin naming hindi nanonood ng movie together...Tanging Yaman pa ata yung last eh. Papa's not into watching movies at the cinema kasi.

So there...I've got nothing more to say for now. I'm too tired to rant or express trivial matters here.

I need a vacation...as in.



Sunday, November 04, 2007
a chika eh keber. =p

Oh yes, oh yes...for real na. We'll be having real classes tomorrow.

Kung sino man ang nag-arrange na Oct. 30 pa lang eh pasukan na namin sa school...BOO! to you. Ano yon? Panghimagas? Pang warm-up? Ang saya naman. o_0 Warm-up pala ang mga mababang results ng 3rd long exams ko sa Patho at Pharma. Oh well...at least pasado. Pero naku naman. Badtrip lang.

Nag-videoke kami sa Red Box Trinomerz nung Wednesday. Next goal: try out the room with the billiards table. Haha. ;)

I'm currently making kalikot and using Cathe's lappy kasi super modern ito...lahat nandito na. At hindi pa rin ako tapos sa pag-upload ng pictures sa Multiply. Kadiri. OC.

Nag-away kami ng malupit ng kapatid ko kahapon. At kahit alam kong siya may kasalanan, so what na lang muna. Gaya ng dati...parang wala lang ang lahat. At ako na naman ang masama. Keber na lang.

Last Oct. 30 pa umuwi sina Mama at Cathe. Na-miss ko rin ang mga mokong. Hehe. =p At ininggit na naman nila ako sa mga extra escapades nila gaya ng pagsidetrip sa mga relatives ko sa Bukidnon at pagharvest ng lanzones sa bundok. Waah! I'm less experienced na. =p

Natuwa ako sa Jessica Soho docu kahapon about "kinilaw". I so love that docu. Eh sa love ko ang kinilaw. Trust me...Papa's kinilaw na tangigue is to die for. Sa kanya eh gata version. Pero sa probinsya, nasubukan ko na yung tabon tabon version. Tapos, hindi pa uso ung kalamansi sa Camiguin so lemonsito ung gamit nila. Ang weird ng lasa non. Ay...gusto ko rin yung version ni Kuya Ted na may green mangoes pa. Na-feature din yesterday yung sa Gerry's Grill. Fave ko kaya ung sinuglaw don. Yum, yum. Makes me hungry na naman...at kakaubos ko lang ng dalawang pastel ha.

Aalis na si Papa for his US trip this Tuesday. Waah! Wala kaming service papuntang school. :(

Finally, makaka-travel na ako sa labas ng Pinas next year. Sorry ha...medyo nationalistic. We believe in touring Philippines first before anything else. Pero heto si Papa...napilit na rin ng RCI. May free hotel accommodations kasi kami na hindi pa nagagamit. Just had to use it. Bangkok, here we come! :)

O sige na...time for Multiply. What did you do to celebrate All Souls Day? Kami kasi, wala lang. Wala naman kaming bibisitahin dito sa Manila eh. Usually nasa province. Ang pinagkaabalahan lang nila lately dito sa bahay ay ang paglalagay ng pavers sa frontyard. I'll post pics sa Multiply...just in case hindi kayo familiar sa pavers na yan. Na-realize ko lang, ako lang pala naiba ng linya dito...I have engineer parents tapos a sis who's bound to be a landscape architect. Ako lang ang nasa sciences. My gosh. =p



cHoX's reaLm



Layout design & graphics by mela
Powered by Blogger
WWF for the li'l side pictures
Photos taken from various sites - googled and yahooed.
The rest...the works...fabulous and shit...edited by yours truly :)


*HUGS* TOTAL! give nadZ more *HUGS*

geocities hit counter

Locations of visitors to this page

Creative Commons License
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 2.5 License
.