Tuesday, August 30, 2005
just haPPy! :)

i got my phone already!!! *big grin*

Image hosted by Photobucket.com

finally, it's a SE K750i...inggit si papa...hehe! he wants to exchange his phone for it... :P kaya lang...natatakot na akong dalhin siya sa school...baka mawala...

nyark! bumili pa...ang engertz...

anyway, am happy din coz cathe was able to have her ipod mini rin...swerte niya kasi walang 4GB na pink so 6GB binili ni papa...

and now, nagi-guilty ako...may utang na naman si papa...

oh...i'll help them pay for it na lang kaya...that is, if i have money...and that will be like in uhm...10 years?

haha!

grabe ng araw ko ngayon sa school...sumama yung pakiramdam ko...feeling ko, halong puyat at pagod...feeling ko rin, may kinalaman yung sangkatutak na pagkaing kinain ko the other day...as in...alam mo yung feeling na parang gutom ka pero hindi...tapos you feel like vomitting *eww!*...basta...weird...

eion...aga ko tuloy umuwe...quite unusual for me...kasi kahit hanggang 11:30 lang yung class ko, nagtatagal talaga ako sa school...not this time though...

hmm...i still feel weird...esp. when i think of food and eating...baka nga related toh sa food...


nagtingin lang ako ng pix ko yesterday...inaalam kung kelan kaya lumaki yung arms ko...;) feeling ko, dahil sa self defense eh...tingnan mo nga naman yung instructor namin don...ang laki talaga ng arms...feeling ko, may kinalaman yung push-ups...mali mali kasi yung ginagawa ko ata dati...

tingnan niyo toh...ang liit pa ng arms ko dito...first year college ata toh...ewan ko ba...

Image hosted by Photobucket.com

waah! oh well...at least may silbi yung braso...;p



Monday, August 29, 2005
quick update

syempre, ang bilis ng aking update...

yep! galing na ako sa SM Mega kanina...and well...i've done lots of wasting time this day...

eh kasi naman, i wasn't able to buy my phone today...thanks to my ever busy dad...it's not a matter of time anymore...it's a matter of doing what he said he'd do...yun ang kainis coz hindi nga niya nagawa...i should've stayed at home and painted for the rest of the day...

anyway, i wasn't able to buy my havs...buti na lang at walang available size for me...otherwise, i'd be drooling really bad and the saleslady will probably need to push me out of the store...

i decided that i won't buy the XDA Mini...i still think papa's willing to buy it for me...as in! pero come think of it naman...it's almost worth my father's monthly salary (since papa's not paying in cash)...tapos, 'pag nawala ko na naman, baka magsisi lang ako...ang mahal kasi talaga...bibilhin ko na lang siya if may car na ako...para less yung probability na manakaw siya...or papabili na lang muna ako ng palm top or notebook (mas gustong bumili ni papa non eh)...oh well...at least, baka mabilhan pa si cathe ng ipod mini ni papa...gusto kasi ni cathe non...eh di pareho kaming masaya diba? (yuck! good sis eh)...am buying the K750i from SE...2.0 megapixel...hehe! ;) medyo expensive pa rin pero at least, kamukha niya yung last phone ko (and i'm getting it in black)...ayoko kasi nung maraming ka-ek-ekan like yung mga clamshell designs na gusto ni cathe (peace sis!)...

sana lang mabili na bukas...ewan ko na lang papa noh...nagsayang lang ako ng oras kanina sa SM...

anyway, pumunta pa kami sa bellevue hotel kanina (dapat sa alabang town center din pero wala nang oras si papa)...we're staying there during the weekend...kaya lang, i have this bio exam this saturday...and i hope i don't get my period by then coz i wanna go swimming pa...

nabundat ako ngayon...eh kasi, sis and i had a late afternoon snack sa goldilocks...tapos, we ate pastries sa bellevue (i had tiramisu all for myself)...then, fruit salad sa isa na naman naming pinuntahan sa pasig...and finally, burger steak from mini stop (still in pasig)...grabe! late na nga yung dinner pero kakabundat talaga...busog pa rin ako...

eion...bilis ng update ko...

papa's waiting for me to stop using the PC...but i'm still in front of it...hehe!:) still blogging like always...

bad!



eWaN kO

for you...

EWAN KO by Soapdish

Di niya sinabi pero may nagsabi
Gusto na yata kasama ka parati
Pero ewan ko, ewan ko
Naubos na ang pera sa kakalakwatsa
Gusto na yata parati kang kasama
Pero ewan ko, ewan ko

Pre chorus:
Napapansin mo na yata
Nakakahiya naman
Gusto lang naman kitang titgan.

Chorus:
Napapalingon tuwing ika'y dumadaan
Napapangiti di ko alam ang dahilan
Alam kong hindi pepwedeng maging tayo
Pero minsan nag-iiba ang ikot ng.. ang ikot ng mundo

Susmaryosep ang dila ay sumabit
Napahiya na di na makalapit
Pero ewan ko ewan ko

Pero

(pre chorus)
(chorus)

Napapalingon tuwing ika'y dumadaan
Napapangiti di ko alam ang dahilan

Napapalingon tuwing ika'y dumadaan
Napapangiti di ko alam ang dahilan

Alam kong hindi pepwedeng maging tayo
Pero minsan nag-iiba ang ikot ng.. ang ikot ng mundo

-o0O0o-

am going to SM Mega in a li'l while...para maghanap ng cellphone. sana lang merong matino don. kainis yung tao sa SUN Cellular kahapon...since postpaid user nga ako, i asked them if they have the XDA unit. nakita ko kasing meron sila before nung bago pa yung XDA Mini. aba! kahapon, tinitigan ako na parang sira ako. ang daming tinanong at ilang beses pinaulit yung unit. nyark! what empty dumb looks they have...sheesh! don't tell me, kakaalis lang nila sa kwebang pinanggalingan nila.

ay...bad! eion...dati rin...we went to this "seemingly" high end techie shop sa Rob. nagtanong kami if they have the miniket. actually, it was my sis who asked. tapos, pinagtawanan lang siya as if she was crazy. baka raw "kitten" yung hinahanap niya. mga sira talaga. if they don't know it, wag naman silang magpahalata noh. nagmumukha silang tanga pa lalo.

sana maging ok naman yung lakad namin ngayon.

sayang! binawi ni GMA yung holiday for the private sector. hindi kami mahahatid ni papa sa SM. am really tempted to buy those havs.

no...self-control!

but if you see me wearing it anytime this week, erm...

empty piggy bank then.

our dogs look funny...the two oldest ones are experiencing some sort of rheumatism. :P

why am i laughing?

nyark to me again!

ang sad nung kwento sa blog ni cathe...yung about the choco cupcake and the langka tart. really! nalungkot ako...


we already have our own TV at our room...and i'm halfway done with my oil painting. my parents couldn't believe i sketched it (i copied it kasi from a pic i saw online). haller! i can draw naman eh...given the proper motivation. now, what was the motivation again? *?*

i'll post the pic next time. they might catch me blogging instead of finishing my paper. ha! ;)



Sunday, August 28, 2005
for four days...

hmm...my last post was last wednesday, right? so lemme tell you the things that happened just right after that. there was not much acads to think about and happy with that.

thursday afternoon was ACLE so i had that much needed break. i just supported PUGAD with our ACLE which was about teamwork and for that, we had some basketball players from red bull as guests. they were namely Fonacier, Villanueva, Robinson, Baguio, and Tugade (i hope i got everything right...am not into basketball lately). anyway, i just stayed by the stairs with martha...haven't spent much time with her also. all of my kada from speech comm are busy with their thesis kasi...and i'm being the lazy one. :P i also saw nikki bacolod pass by the building (she’s playing for the SEA games pla...for swimming). i can only deduce that UP was brimming with celebrities that day. ganun naman eh...so that you can get lots of people to support the ACLE. as I was riding the jeepney late that afternoon, some girls came rushing in just to peek at the AS parking lot where the players stayed for a while while they chatted with some people i know (i need not tell)...and the girls were talking animatedly that perhaps, they (the bball players) have some girlfriends in UP that’s why they were there. tsk! talk about gossip. anyway, we lost the UAAP basketball game that afternoon...the school down the road won...

friday...had only one class…again! as always and like usual. am getting tired of it already. i became a LA student for the rest of the day. i stayed at the archi building with my sis, who was cramming her plates that day. kinda helped her a bit. there’s nothing much i can do but help her color the trees...Cathe even had to redo some of the trees because my coloring was pathetic...hehe! :P but hey! i kinda enjoyed it though...and i had to eat a late afternoon lunch with her and her classmate...that was around 3 in the afternoon...after that, after doing something for Danci (who we met at SC), my sister and i gave ourselves a treat. we went to have a footspa. i must have been doing a lot of walking for five months...and less pampering for my feet...the lady had trouble getting all those dead skin cells. hehe! i could tell she was almost giving up...and i was getting a bit ticklish already...can't tolerate it much longer. but it was great...loved the service...and up to now, my feet's still pinkish...great! :)

saturday was our buddy date with my buddy from PUGAD Sayk. we were with Ivy and her buddy...group date. unfortunately, Dean and Maita, with their buddies, weren't able to come with us. we decided to go to Gateway for a movie and lunch. 'twas my first time to see juli, my buddy. funny how they paired us together coz we don’t even have a common breaktime. i won’t be seeing much of her then.

we went to the cinema first, then settled to watch "Must Love Dogs" instead of "Bewitched" since the latter starts at around 2 in the afternoon and Ivy had something to do at around that time. since the movie starts at 12:40, we decided to have lunch first…and ended up in the food court since we can’t really decide where to eat. this reminds me of having lunch with Danci. we’re both indecisive and none’s dominant enough to even decide where to eat. like last tuesday, we were supposed to eat somewhere in Philcoa...then at the last minute, we decided to go to Wendy’s instead.

anyway, back to gateway...so there...i ate a lot...and we had to rush eating since we were running a bit late. ivy and jessa had to even take their lunch with them. we just arrived in time to watch about 2 trailers before the actual movie. the movie’s really nice. it mad me laugh. not that crazy laugh when you're watching comedy. hmm...basta! witty lang siguro yung jokes and all but everything was nice. i pity Juli and Jessa...they didn’t bring jackets with them, and it was really cold. even i was cold and i had my jacket with me ha.

nakakatawa yung kwento kasi it makes you realize some things about love...pero some really funny facts we had talked about after the movie:

1. if you're desperately looking for a partner, try the internet...try www.perfectmatch.com. =P
2. make sure you don't schedule a date with your father...hehe! ;)
3. to look beautiful and really attract guys, dapat nakalugay ang buhok mo...
4. dapat marunong kang magswimming...
5. know what a boob shirt is...
6. single chicken breast is for single ladies...
7. great guys can be found at the grocery...fruits and veggies section?
8. just don't be stupid...
9. practice rowing...
10. don't settle for your first cousin...if he's adopted, that's a different story...
11. erm...why am i ending at 11 anyway? always be prepared. i do hope you get what i mean...

a poem from the movie:

Brown Penny by William Butler Yeats

I WHISPERED, 'I am too young,'
And then, 'I am old enough';
Wherefore I threw a penny
To find out if I might love.
'Go and love, go and love, young man,
If the lady be young and fair.'
Ah, penny, brown penny, brown penny,
I am looped in the loops of her hair.
O love is the crooked thing,
There is nobody wise enough
To find out all that is in it,
For he would be thinking of love
Till the stars had run away
And the shadows eaten the moon.
Ah, penny, brown penny, brown penny,
One cannot begin it too soon.


anyway, we hurried to the LRT2 after the movie (that was after the trip to the CR)…and well…things suddenly went hilarious for all of us...this one's for PUGAD buddy date history na.

first, when it was Juli’s turn to get her train ticket, we can’t seem to insert the 20 peso bill she had. since it was kinda dilapidated, we exchanged it for a crisper bill...baka kasi yun lang yung problem. sabi ko, ako na lang magpapasok...aba! ayaw talaga! ang haba na nung pila sa likod. we were really laughing so hard...and the person at the back even commented na “ang saya saya” raw namin...hehe! nakakatawa kasi talaga. the problem pala eh hindi pa napipindot yung station na bababaan nila(they’re bound to Katips and i’m bound for Santolan station). buti napansin ni Jessa...nyark! parang first time namin diba?...which is not really the case.

hindi pa diyan nagtatapos ang lahat. after getting our tickets, umakyat na kami para makasakay sa train. unknowingly, sinusundan lang pala talaga nila ako...eh ako naman, lakad lang nang lakad. pag-akyat namin, we were asking ourselves kung tama ba yung direksyon ng train na hinihintay namin. tapos, pagdating, napatanong si Jessa kung bakit Recto yung nakasulat sa train (dun sa may taas). eh kami naman, we were thinking na since hanggang Recto nga naman yung train, baka yun lang yon…eh di sakay na nga kami diba. opposite poles kami ng buddies namin. i was getting doubtful na…parang may mali talaga. tapos, biglang inannounce: “ang susunod na istasyon ay betty go-belmonte”...hala! mali nga! hahaha! :D si ivy, nagpanic…nagkakatotoo na raw yung fears niya...like getting off at the wrong station…hindi lang yung mawalan ng ticket. tapos major kalabit na si ivy sa mga buddies namin since malayo nga sila. feeling ko, napansin ng ibang pasahero ang aming dilemma. ang obvious kasi. tawa ako ng tawa pagbaba. si ivy, ayaw magpapansin pero pansin talaga eh...hehe! =P sobrang napansin ng mga buddies namin kasi sa tawanan. eion...buti na lang, may quite similar experience na sina Joyie and Danci on that (siyempre binuking ko diba?)...lilipat lang kami sa kabilang side ng train tracks. buti na lang, we don’t have to approach the office and tell them na nagkamali kami (like ivy thought). kasi naman noh...karma ata. naglolokohan kasi kami prior to the experience na papunta kaming legarda. ayan...muntik na tuloy. =P anyway, nakalipat naman kami to the other side, and finally, nakaabot sa mga stations na pupuntahan namin. ang funny talaga! ganito pala yung feeling pag feel mong pagtawanan yung sarili mo. kakahiya...pero duh?! nde ako nahihiya...hehe!;)

sunday na pala ngayon. aga naming nagising. nakipag-appointment ako kay papa. lagi kasing busy with kiwanis. kainis! anyway, pumayag siyang umalis kami today. siya mismo ang nag-offer na bumili kami ng new pants ko (since hindi na nga kasya yung ibang pants ko at luma na) and pati new cellphone na rin. guess what?! pumayag na siya on getting me a XDA mini!!! hala! (wait lang...kainis si bea sa the buzz...ginagaya si anne...ang arte! hindi bagay...only anne can pull that off without being too kainis!) anyway, kainis lang kanina kasi walang stock ng XDA. kung saan saan kami nagpunta. i got really frustrated. does this mean na the XDA wasn't really meant for me? haay...minsan lang nasa good mood si papa pagdating sa splurging eh. ngayon pa hindi nakikiayon ang tadhana. oh well...we're still bound to go to megamall. may chocolate doon...sayang! wala akong money. i miss buying havaianas. may bagong stocks daw sabi ni krissy. sana lang talaga...hindi! cellphone ang primary agenda at hindi flops. *self-control!* ang saya rin since matatapos na rin ang campaigning nina papa next week (and we can stay at the hotel...ha!). finally, he can stay home most of the time. nakakasawa nang mainis tuwing wala siya eh. pero what if he wins? grr! just have to be happy for him then.

haay...lagi na lang ako nauubusan ng internet load pag sina Danci at Bri ang ka-chat ko...hehe! =P

gotta go! :)

Gemini by Spongecola

Come a little closer
Flicker in flight
We'll have about an inch a space
But i'm here i can breathe in
What you breathe out

Let me know if i'm doing this right
Let me know if my grip's too tight
Let me know if i can stay all of my life
Let me know if dreams can come true
Let me know if this one's for you

Cause i see it
And i feel it
Right here
And i feel you right here

The vacous night
Steps aside to give meaning
To gemini's dreaming
The moon on it's back
And the seemingly
Veiled room's lit
By the same star

And i feel it right here
And i feel you right here



Wednesday, August 24, 2005
cRaZy weDnesDay ^_^

i've had this crazy day today...meeting strange people in common places...

how cool is that?! all the organizations/groups in which i'm part of held all their activities this wednesday...hecticness!

actually, tuesday pa lang...nagbabadya na...

deja vu tuesday...why? well, i was wearing my khaki pants again...and the button came off again...i brought my red jacket...it rained (but not so hard naman)...i went to env sci again only to discover that my prof won't be seeing us that day (again)...and i went to archi to meet up with my sister...everything was quite like that fateful friday two weeks ago when it was raining so hard and i was having that very bad day (but i was still happy then)...

well, tuesday was a really warm day...and i was wearing black...but anyway, may nagsabi naman that i looked cool...that how can i manage to wear black and still look fine despite the heat...to ward off the heat kasi, nagpunta kami ni danci to wendy's for lunch...and we stayed there until we were really cold...pero ang init talaga eh paglabas...

so there...we started to do the prodwork that afternoon after some careful design planning...take home na lang yung iba since we can't finish it...then, i had to rush to AS lobby at 5:30 for a UNESCO execom meeting...then cathe told me that her UPCLAS (her org) had a free film showing at archi...so i had to rush to archi at around 6:15...the second time that i had to walk to archi from AS that day...talk about getting enough exercise...

akala ko aircon yung sa film showing pero hindi pala...pero i liked the movie...yung Lemony Snicket's blah blah...ayon...ganda pala niya...natapos siya ng wala pa kaming sundo so we stayed at the other archi building for a while and tried out all the chairs there...i was with cathe, lique, danci and joyie...then, naglakad na naman kami papuntang yakal since ang tagal nina mama...kung may joy ride, ito na ata yung joy walk...ayon...kapagod lang...buti na lang at prepared ako sa lakaran...

so there...i came home late tapos tulog agad talaga...so i did the take home prodwork at around 4 in the morning na...haay!

skip skip skip...back to crazy and pink wednesday...

first stop: Mandala

i was assigned to head the prodwork for the reacquaintance party of the seniors so i had to go to school early...we had to reformat the original design kasi ang hangin...the design we got entangled due to the wind...the results were great naman...ang ganda lang kasi ang colorful ng PHAn kanina...

we had great games, videoke, and great japanese food and pastries...naubos pera ko...=p

second stop: Psychedelics

may compsych today so dumadaan daan din ako...ganda kasi eh...tuturuan ka on using adobe photoshop and sony vegas for video editing...kaya lang, i had to go to the second floor and first floor from time to time...exercise na naman...

third stop: PUGAD

erm...dapat picture taking lang ngayon...pero hindi natuloy...so skip skip skip again...

fourth stop: UNESCO

acquaintance din namin sa balay kalinaw (dun na naman pero ibang room na rin...sa wakas!)...ang saya...dami ng tao...nagkulang yung food (am hungry tuloy)...pero enjoy talaga...no need to elaborate on that...

so there...i went home at around 9pm na...haay...ang hirap mag-commute pag gabi na...nakakaparanoid...

the strange people i was telling you about? well...isang weird guy sa phan...parang deja vu nung experience namin ng psychedelics before...the guy wasn't even a UP student pero nandoon siya and he was talking to some of the psych people around...creepy! feeling close...

may isa pa...basta! org related...=p

so there goes my crazy wednesday...and i'm sleepy...buti na lang at ACLE tomorrow...walang afternoon class...just have to support PUGAD...red bull players yung guests tomorrow...team work ang topic if i'm not mistaken...

yun lang...

i feel really sleepy na...ang cute ng shirts ng mandala...

i feel so accomplished and fulfilled today...kahit nakakapagod...and damn! i look prettier than usual...nyark! :) *pagbigyan na...inaantok na ako...tuluan ko kayo ng laway diyan eh...hehe!*

ORANGE is for mandala...bounce! *nauna tayo sa palmolive ha...naku! they have to sponsor us na...free publicity from us eh...*



Monday, August 22, 2005
sa suLok

sayang naman yung G-TEC ko if i don't post this...hehe!:)

August 22...6:20 pm...

naghihintay...nag-iisa sa isang sulok ng PHAn lobby. malakas kasi ang ulan kanina...nakakatamad pang umuwi. sabagay...alas siete matatapos si cathe sa kanyang klase...hihintayin ko na lang siya para sabay kaming umuwe...kung suswertehin, baka sunduin pa kami ni papa...sana makabalik siya agad sa meeting niya sa global city.

pinipilit kong mag-aral. heto...napagdiskitahan yung bio book ko...highlight dito, highlight dyan...wala namang maintindihan. maya maya, may nakakadaldalan...napapalingon sa mga nagaganap sa aking paligid. kaya heto...nagsusulat na lang ako...kahit papaano, may nagagawa pa rin.

nakakatuwang isipin na nababalot ng kalahating dilim at kalahating liwanag ang lobby...dalawang magkaibang dimensyon...gaya na lang ng itim at puting kulay ng sahig...may dalawang tao rin ditong hindi pa nagsasawang mag-aral...ang isa'y balot ng liwanag mula sa bumbilya...ang isa, nakakubli sa paparating na dilim ng gabi...may isang lalaking may kausap sa telepono...samantalang ang gwardiya, nang-iinggit sa kanyang maagang hapunan.

ang init ng umaga ngayong araw...'sing init ng nararamdaman kong inis. may isang bagay na talagang hindi ko maunawaan. may ilang mga bagay na sumubok sa aking katiting na pasensya. panahon na sigurong mamulat na kaiba ang bawat indibidwal...iba ang prinsipyo ko sa kanila...pero ilang pagsubok pa ba ang kailangan kong harapin para lamanag mapunan ang pagkakaibang ito?

nakakatakot ang oras...hindi mo alam kung ano'ng pwedeng mangyari. sana nga lamang, may pagpapahalaga ang bawat tao rito...na ang oras ay mahirap tantiyahin at dapat lamang ito pagkaingatan.

kaya kaibigan, pasensiya na sa pagiging malamig sa'yo ngayong araw...pero bakit nga ba laging ganito? paulit-ulit lagi ang mga problemang patungkol sa oras at gawa...sana hindi ulit maulit...ang mga dahilan ayoko munang isipin...pasensiya na...sadyang hindi ako madaling makalimot.

maraming panloloko ang panahon at pagkakataon ngayon. heto...binabalot na rin ako ng antok...dahil naman sa dalang lamig ng hapon. wala pa rin akong magawa...patuloy nga lamang sa pagsusulat...patuloy na nagmamasid sa aking paligid...sa dumaraang mga dyip...sa mga ilaw sa posteng hindi ko man lang napansing sumindi...nandito pa rin ang mga kasama ko maliban sa lalake sa telepono...at ako...nasa parehong sulok ng PHAn lobby.



Sunday, August 21, 2005
tHe 2am haBit...

ngiti...
sa mga mata mo'y hindi mapagkaila
galak...
sa puso'y tangan ang kalungkutan
tawa...
ngunit sa loob ay iba ang naririnig ko
saya...
bakit nga ba ito'y pilit na itinatago?

ipikit ang mga mata...
nang ito'y hindi ko matanto...

~*~*~

ang buhay, tadtad ng pagbabago...
mga pagbabagong minsa'y bahagya lang ang epekto...
simpleng pag-a-adjust, ok na...
may ilang pagbabago na biglaan naman dumating...
tipong nakakagulat at hindi maiwasan...
mabuti sana kung lahat eh mabuti pero hindi naman...
tanging hiling na lang tuloy ay malagpasan ang mga ito...
pero, ang bawat pagbabago, mabuti man o hindi, madalian o bahagya, takda na talaga ng nasa itaas...
pero nasa atin din naman ang gawa...
tayo ang makikipagsapalaran...
tayo ang patuloy na magtiya-tiyaga...
tanging tangan natin ay pag-asang malagpasan nawa ang mga ito...
na may patuloy na pagtitiwala sa sarili...
ng may tatag sa paninindigan...
mahirap man...
pagtanggap na lamang...

~*~*~

hindi ako malungkot...madalas lang talaga akong napapaisip lately sa hindi ko mawaring dahilan...

mabuti kayang pinapagana ang utak sa ganitong paraan? ewan ko...



Saturday, August 20, 2005
tHe LiB piC seRies

WANTED #1

Image hosted by Photobucket.com
hanapin ang mali...mahanap mo kaya? =P

WANTED #2

Image hosted by Photobucket.com
'tneli...hindi naman masyadong mahangin...sabing hindi! labanan ba ito ng industrial fan at ng windy wind? erm...;)


WANTED #3

Image hosted by Photobucket.com
isa pa nga...nde pa ako nagsasawa sa mukha ko eh...ayan...may comparison sa first pic...alin, alin, alin ang naiba? =p

WANTED #4

Image hosted by Photobucket.com
PUGAD Soc pic ito...symbolic daw according to aj...=P

WANTED #5

Image hosted by Photobucket.com
tinie and tneli...we just can't get enough...

WANTED #6

Image hosted by Photobucket.com
ano kayang nakita ng mga ito?!

WANTED #7

Image hosted by Photobucket.com
nasaan na ang liwanag?! nasaan?!


***enaco...tama na nga...may grad pic series pa...abangan...



just being lazy...

after so many months, i finally get to have a chat with a friend who's been away for quite a while now...and what do i get? oh...just some guy she introduced me to...just because we were talking about my "seemingly" boring lovelife...it's not that boring by the way...

and now, i'm chatting with that guy...he texted me actually, but being the usual me, i didn't reply...i just don't really like textmates so much...unless they were really close friends who i'd rather call than text...

but why do i get this funny weird feeling as if there's something wrong with the picture? erm...am up to find out...

shux! am wasting my time...i should be using this extra day for schoolwork right? oh well...

i just can't hate the internet...





Friday, August 19, 2005
bakit?

sleepy head

current state of mind: still stuck at aug. 18

am currently not in the mood for posting...halos buong week ata...was just so busy...ang tindi...buti na lang at may break tomorrow...thanks to Quezon!:)

got my grad pix contact prints already...i look fat...and that's not too good...oh well...i still look human naman...

had 2 exams this week...haay! talk about being hectic...at least dalawa lang yon...at magkaibang araw pa...so no prob there...

passed my writeup already...

bad trip kanina...tapos, cathe's in ilocos pa...wala akong makausap...wala na akong karamay sa pagtulog...ay...hindi pala yon natutulog...

kainggit...i wanna go to ilocos din...

nakatulog ako sa IB kanina...sa may 2nd floor lobby...was so sleepy lang...ang init pa non ha...but i managed to sleep...challenge?! buti na lang at nagising ako before class...pero namanhid yung feet ko ha...had to stay in the same position for like 5 minutes...then i managed to stand up na rin...musta naman?!

when bio lecture class gets you inspired...


malayo
distansya
ang hirap mong maabot
mailap
panandalian
lubusin na ang sandali
naghihintay
kontento
darating din ang pagkakataon
ngiti
masaya
sana nama'y masuklian
tadhana
ako
matupad sana sa ating pagtutulungan
umaasa
naniniwala
ito na nga iyon...


next time na yung iba...

bibigay na mata ko...luwa na?! eww...

=P

ang daming nangyari ngayon...bakit nga ba?



taMbay sa suLok

just have to post this...sayang yung ink ng G-TEC-C3 na ginamit ko...=p

August 22, 2005...6:20 pm..naghihintay...nag-iisa sa isang sulok ng PHAn lobby...malakas kasi ang ulan kanina...nakakatamad pang umuwi...sabagay, alas siete matatapos si cathe sa kanyang klase...hihintayin ko na lang siya para sabay kaming umuwe...kung suswertehin, baka sunduin pa kami ni papa...sana makabalik siya agad sa meeting niya sa global city...

pinipilit kong mag-aral...heto...napagdiskitahan yung Bio book ko...highlight dito, highlight diyan...wala namang maintindihan...maya maya, may nakakadaldalan...napapalingon sa mga nagaganap sa aking paligid...kaya heto...nagsusulat na lang ako...kahit papaano, may nagagawa pa rin...

nakakatuwang isipin na nababalot ng kalahating dilim at kalahating liwanag ang lobby...dalawang magkaibang dimensyon...gaya na lang ng itim at puting kulay ng sahig...may dalawang tao rin ditong hindi pa nagsasawang mag-aral...ang isa'y balot ng liwanag ng bumbilya...ang isa, nakakubli sa paparating na dilim ng gabi...may isang lalaking may kausap sa telepono...samantalang ang guwardiya, nag-iinggit sa kanyang maagang hapunan...

ang init ng umaga ngayong araw...'sing-init ng nararamdaman kong inis...may isang bagay na talagang hindi ko maunawaan...may ilang bagay na talagang hindi ko maunawaan...may ilang bagay na sumubok sa aking katiting na pasensya...panahon na sigurong mamulat na kaiba ang bawat indibidwal...iba ang prinsipyo ko sa kanila...pero ilang pagsubok pa ba ang kailangan kong harapin para lamang mapunan ang pagkakaibang ito?

nakakatakot ang oras...hindi mo alam kung anon'ng pwedeng mangyari...sana nga lang, may pagpapahalaga ang bawat tao rito...na ito'y mahirap tantiyahin at dapat lamang ito pagkaingatan...

kaya kaibigan, pasensiya na sa pagiging malamig sa'yo ngayong araw...pero bakit nga ba laging ganito? kailan matututo? paulit-ulit...sana hindi na maulit...ang mga dahilan mo'y ayoko munang isipin...pasensiya na...sadyang hindi ako madaling makalimot...

sadyang maraming panloloko ang panahon at pagkakataon ngayon...heto...binabalot na rin ako ng atok...dahil naman sa dalang lamig ng hapon...wala pa rin akong magawa...patuloy nga lamang na nagsusulat...patuloy na nagmamasid sa aking paligid...sa dumaraang mga dyip...sa mga ilaw sa posteng hindi ko naman lamang napansing sumindi...

nandito pa rin ang mga kasama ko maliban sa lalaki sa may telepono...at ako...nasa parehong sulok pa rin ng PHAn lobby...





Saturday, August 13, 2005
library = great studio!

no regrets...

ha! had my grad pic pictorial today...hmm...it went well...though i didn't exactly got the amidala look, maganda pa rin ako...ha! =P

it's finally over...

i kinda liked the make-up and hairstyle...although matagal talaga yung waiting process...ang galing din nung photographer...although medyo FHM look ata gusto niya ha...hehe!

crazy...

so there...krystel and i got crazy with the digicam...after all, we're feeling "extra" pretty today...

the best studio...

wherelse?! the best pa rin ang lib...nice scenery, lighting...and great wind effects...talo pa ang industrial fan ng council...right 'tneli?

exhausted...

am off...



Friday, August 12, 2005
rainy days and khaki pants just don't match

wah...still in a state of panic...uncertain still as to what shall happen tomorrow for my grad pic...am settling for amidala once and for all...erm...

now...for the costume...still have to dwell on that...

bad trip ang araw na toh...have to wear beige/khaki-colored pants despite the rain because i don't like to wear a skirt and the other pair of maong pants i have is too long and loose...it will still get messy...therefore, wearing beige pants, i had to walk slowly so as not to dirty myself...i failed...

we didn't have env sci class today...so off i went to archi...umuulan lang talaga pag bumibiyahe na ako...pag nasa building ako eh ok naman...nananadya yung ulan...

tapos, nasira pa yung button ng pants ko...buti na lang sa likod yung nasira...

tapos, kumain kami sa wok this way...after like a month ata...masarap naman...pero umuulan lang talaga...namasyal kami ni cathe and kim ngayon eh...kahit umuulan...grabeng tripping...ayon...

nakasakay kami sa tricycle nung tinalsikan kami ng tubig nung isang puting kotse...was so wet hanggang undies ko...buti na lang at malinis ang tubig sa katips...otherwise, lagot sa akin yung driver...pag nagka-car ako, bump cars kami sa katips...tingnan na lang natin...

ayon...musta naman? nagpunta kami sa gateway...naka-sleeveless ako kaya medyo maginaw...tapos, yung jacket ko eh ginagamit ng pwet ko...so mali the picture...

so there...may iba pa bang ka-badtripan? wala naman ata...i hate light-colored pants on rainy days...yun lang...operationalized yan ha...

sana maginaw lang...walang rain involved...pwede ba?



Thursday, August 11, 2005
so?! musta naman?!

panicky...grad pic ko na sa saturday...am not yet ready...wala pa akong isusuot...

pati write up eh wala pa...nakakatamad...aversion ba ito sa graduation? ang tagal pa kasi pero parang it's just around the corner...

am going on a major shopping spree tomorrow...at hindi ko alam kung paano yung sked ko...tindi!

waah! divine intervention na lang ang makakatulong sa sked ko bukas...

nde pa ako nakapunta sa vcf ngayon...inaatake kasi ako ng hyperacidity...sabi ni cathe, due to stress...grabe ha! kahapon pa ito...i suspect, dulot ito ng kakakain...ang dami kasing lansones at rambutan dito sa bahay...tapos may peanut brittle pa at pili nuts...so, musta naman ang diet? grad pic pa naman...oh well...

and to end everything...ang sarap ng ulam namin kanina...grabe! lumamon na naman ako...may lapu-lapu, shrimp, at sinigang na isda sa miso...o diba? seafood galore! sarap!:)

nasan kaya napunta yung isang kahon ng gloves namin sa bio? may nagnakaw...kasi naman, may locker pero hindi naka-lock...ashus!

o sige na nga...may gagawin pa ako...waah! ang labo ko!



Monday, August 08, 2005
jumBo sPeaks and sQueaks: whaTever?!

i don't have much to share except for the fact that i've been wasting time in front of my PC (as usual) instead of studying...my butt hurts just sitting in front of the PC...oh...just pull me away, will you?

it's fifteen minutes before midnight...only have one class tomorrow...

stayed til 7pm in school...ate fishballs to satiate myself apart from the hot choco i had that noon from my sis who had nothing else to do but to stay at starbucks...what a cool way to kill time...

now wonder why i stayed that late in school? it's because i had to bring home my cat...it's a dead, skinned cat...and jumbo is the name...an ironic name for a thin cat...hmm...i'd probably post his picture here some time..."eww" for you, but i love him...rather than nancy (our dead, skinned shark) who smell so awful apart from being horribly massacred with our scalpels...poor nancy...poor dead jumbo and nancy...they served us well...

i'd like to thank danci, tina, and david for staying at phan lobby with me...i'd rather have live people with me other than my dead cat...

which reminds me...i have to go...the cat's waiting...have to study for my bio lab exam this wednesday...

ta-ta! :)

it's 11:50 pm by the way...and i'm sleepy...nah! the cat's waiting...

but wait...

waah! have to go...



Saturday, August 06, 2005
and i'm back...back...oh so back! :)

am so happy!!!

the PC is back, fixed, and fresh! :) pahinga na naman yung patay bukas at mabagal na PC...

medj nagpanic ako kanina coz i thought i lost my files...pero nandito pa pala...mamamatay ako pag nawala yung mga pictures from the digicam...haay! eto ang problema pag high tech eh...almost gone are the days when we'd buy rolls of film for an event...i miss polaroids...i just hope the PC doesn't crash again...i have to burn those pictures in a cd really soon...

it's raining again...bumaha kanina...i thought i'd never get to school on time for my natsci exam...sira pa ata LRT2 kaninang morning...i pity those who ride it...halos napuno yung kalye sa santolan kanina...kumita na naman ang mga jeep at fx...

saya nung VCF kahapon...beats live aids...posture, atmosphere, process, and person of faith...just so i can remember...it's kinda weird how i can remember well the things i hear during the youth services...may recall lang talaga...

ayon...medj magulo na yung katabi kong puppy...gotta go...

have to finish this org stuff am doing...

pero blogging muna...have to do something with my blog...ang bagal na niyang i-open...

good luck sa mga UPCATers bukas...:)



Wednesday, August 03, 2005
ok ok...

enaco...this PC is wasting my time...haay...

am quite ok now...medyo settled na ang dapat kong ma-settle...i guess shopping helped...

so danci, stop worrying...tama na ang pangungulit...=P

ang saya kahapon...medyo adventure sa amin ni joyie...na-test ang commuting skills via public transpo...

punta kami sa ayala ave to smart towers...tapos nagpunta pa kami sa market! market!...isang planong finally ay natupad...haay...saya lang...umabot ako ng market! market! at hindi ko gusto ang suot ko...nyark! thanks pala sa bus, jeep and train...am going to reward myself with something...facial sa weekend...hehe!:)

thanks kay danci na ipinagpaliban and kanyang chem 31 post lab...ewan ko na lang sayo noh...

thanks kay joyie for the wonderful shopping spree day...musta naman ang skirt?! ;)

thanks kay tneli for calling me yesterday...i know you're happy...

it's quarter to six...have to take a bath...=P





cHoX's reaLm



Layout design & graphics by mela
Powered by Blogger
WWF for the li'l side pictures
Photos taken from various sites - googled and yahooed.
The rest...the works...fabulous and shit...edited by yours truly :)


*HUGS* TOTAL! give nadZ more *HUGS*

geocities hit counter

Locations of visitors to this page

Creative Commons License
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 2.5 License
.